Thursday, January 18, 2007
kahapon ay wednesday.. grabe.. sobrang nakakapagod... nakakastress.. lahat ng inis ko kay peterpen ay ibinuhos ko sa badminton matches nmen, kaya nanalo ako sa bawat game na aking nilaro.. masyado daw akong agresibo at bayolente.. sabi nga ni natalie "klev, chill out!!"..
hindi na kami nagkikita pag wednesdays dahil nagbago na ang schedule sa taekwondo.. mas maaga na ang pasok ko 5:30pm-6:15pm, at pagkatapos ng lesson nmen ay lesson nila peterpen.. hindi na ko umaasa... na makikita ko siya.. at makakausap..
pero as usual.. pag hindi ako umaasa saka nangyayari ang gusto kong mangyari.. saka sya sumusulpot at gumagawa ng kung anu ano para umasa nnman ako.. pero this time around, tama na.. pahinga na muna si hearty kasi masyado na daw siyang pagod umasa at masaktan.. kaya pinag-holiday ko muna sya..
kahapon ay dumating si peterpen sa klase nmen.. 30 minutes siyang maaga para sa klase nila... baket kaya? eh datirati nman, nung magkasama pa kami sa klase pag wednesday parati syang late.. so umupo siya sa gilid, sa may tapat ko.. meron siyang hawak na hindi ko mawari kung ano.. mukang camera na PSP na ewan.. pero sa tuwing lilingon ako sa direksyon niya, nakatapat saken ung hawak niya na parang nakatingin siya saken gamit un..
itinuro na saken ang bago kong pattern, "Dan-gun".. pero dahil kelangan din matuto ng bagong pattern ung nagtuturo saken, pinapalitan siya ni Mr. Houston kay peterpen, na nakaupo sa gilid.. kinabahan ako, hindi ko alam kung bakit.. nang lumalapit siya saken, nakangiti siya at nag hello.. pero hindi ako ngumiti o nag-hello sakanya.. tumingin ako sa harap at nag-"chunbi" position lang ako ("ready" position)... nang tinatanong niya ung iba kong kasama kung hanggang saan na ung naituturo samen, sumagot sila.. ako, hindi.. kasi nga nman sumagot na sila... naka-"chunbi" position pren ako.. nang hindi ako sumagot, tumahimik silang lahat.. hinihintay kasi ni peterpen ung sagot ko... hindi paren ako sumagot hanggang sinabi niyang "kleeevv..." na parang naglalambing ang tono ng pananalita... naka-smile siya, as usual.. pero sumagot lang ako at hindi ngumiti... kinarir ko lahat ng pinagawa saken.. ako ung ginagawa niyang example, hindi ko alam kung bakit... tapos msyado niya akong kinokorek.. kahit na mababa ng 1 cm lang ang kamay ko, hinawakan niya at inusog niya pren.. parang nagpapapansin.. pero wala.. deadma lang.. seryoso ako buong lesson.. hindi ako nakipag-usap sakanya o nakipagbiruan... walalang... i treated him like an instructor... i didn't even say "bye".. siguro nman, sana naman, nakaramdam na siya..
...this is my secret