Tuesday, February 20, 2007
secretwoooohh!!! ang dami talagang nagagawa ng mga websites na tulad ng FRIENDSTER, BEBO, at MYSPACE.. lalong lalo na ang MSN, at YAHOO MESSENGER.. maraming sekretong nabubunyag, mga lihim na nailalantad, mga tanong na matagal nang gustong itanong ngunit hindi magawa ay naitatanong, at kung sinuswerte, nabibigyang kasagutan ang mga tanong na ito... at kung minsan, ang mga websites na katulad nila ay nagiging outlet ng mga taong nakakaramdam ng "sobrang" emosyon. sobrang galit, sobrang inis, sobrang takot, sobrang excited, sobrang kilig, sobrang saya, sobrang lungkot at kung anu ano pang sobra...
tulad nalang ng nangyayari sa akin.. matagal tagal naren akong hindi nakakapag sulat sa aking munting blog... ngyon nga'y aking sisimulan.. well, anim na araw na rin ang nakakalipas nang magbakasyon kami para sa half term.. ngunit busy paren ako dahil sa walang katapusang courseworks.. pero kahapon ay merong nagpagawa saken ng birthday invitation.. at ito ang naging dahilan kung bakit nakapag internet nnman ako.
si mike na pinsan ng pinsan ko ngunit hindi ko pinsan, ay broken hearted. at guess what? sakin pa siya nagtanong kung paano makakalimot! hahaha.. natatawa ako sa mga words niya eh kasi sobrang corny, hindi ko siguro makakayang tumapat sa level ng ka-cornihan (siguro gnon tlaga pag inlove)...but at the same time ay naawa nren dahil mukang seryoso tlga siya.. kawawa nman siya.. sayang, cuteness pa nman... hindi deserving ung babae!!! grrrr.... but oh well...
isa pang kwento.. meron akong ex-prospect.. prospect ko dati sa st. josephs ngunit dahil nasa SWGS na ako ngyon, wala na syempre.. hanggang prospect lamang at hindi na umabot sa crush ang level dahil.. ewan, basta.. itago nalang natin siya sa pangalang "XP1" short for ex-prospect 1..
friend ko si XP sa bebo... gayun naren sa MSN.. itinanong niya saken kng kelan ako madalas mag online sa MSN, malamang dahil gusto nia ako ka-chat.. ngunit sabi ko ay walang eksaktong oras.. ganun pa man, tyempong online siya nung online ako so kami ay nag usap.. sabi pa nia ay tingnan ko daw ang bebo page ko dahil binigyan nia ako ng "love" (bagong pakulo ng bebo)... tpos saktong nakalagay sa status ko ay "watashiwa anata oaistomasu" dahil trip ko lang.. tinanong nia kung ano ang ibig sabihin nun sabi ko nman "that's japanese for i love you".. sabi nia, "ahh.. kl..".. matapos ay nag offline ako saglit upang maghugas ng pinggan (dakilang katulong).. pagbalik ko ay bigla nalang siya nag message "watashiwa anata oaistomasu lol".. dahil ang pagkakakilala ko sakanya ay mahilig magjowk, ako nman tinanggap ko yun as a jowk so reply ko lng ay "lol"... nang ako ay sobrang bored na, napadpad ako sa blog ko at nakita kong nagcomment pala si XP sa aking blog.. nakalagay:
1 hu r u? **XP**
2. r we friends?Yes
3. wen and hw did we meet?St Joes yr 9/10
4. hav u evr fancied me?Maybe
5. hav u ever wnted 2 punch me?Nooo
6. giv me a nikname and explain ykLeV cuz its short lol
7. describe me in 1 wordKl
8. wat was ur first impression ov me?kl wow lol
9. do u stil think the same?yes
10. wat reminds u of me?i dunno
11. If u cud giv me anything wat wud it b?i dunno
12. how well do u no me?wellish
13. wens d last time u saw me?bout a yr ago
14. ever wnted 2 tel me sumthin u cudnt? yes
dahil ako ay si Miss Curious, at dahil naren ako ay saksakan nang pagkabored, tinanong ko siya tungkol sa last question.. nagpaimportante nman ang mokong at sabi pa nga "be right back" ngunit hindi siya nakaligtas sa powers ko kaya eventually sinagot na nia.. sabi "erm, i kinda fancy u"... haha flattered nman ako!.. not knowing wot to reply, ginaya ko nalang ang sinabi sa akin ni peterpen, sabi ko "awww.. that's soo sweet"... matapos ng ilang taon ay nagreply siya "so wot do u think?"... aaminin kong kinilig ang lola mo ngunit mejo natakot naren kaya sinabi kong "erm.. sweet? lol.. anyway, im ff now.. i'll talk to u soon.. bye xxxx"..
...this is my secret