Wednesday, March 07, 2007
lasingmeron akong kwento. ito ay tungkol sa aking kakilala na may asawa at pamilya. ang lalaking ito mahilig uminom ng alak. hindi ko sinasabing siya ay lasinggero sapagkat ang lalaking ito ay may sakit sa dugo, "high blood" kung tawagin, at ang kanyang karamdaman ay ang dahilan kung bakit siya ay naghinayhinay muna sa pag iinom ng alak.ngunit isang araw ay bumaba ang kanyang dugo sa "normal" kung kaya't siya ay nagdiwang at nagpunta sa isang "party".. "party" kung saan ay inuman lamang ang pangunahing ipinagdiriwang.. siya ay nagpakalunod sa alak at kanyang inabuso ang pagiging libre sa dahilang ang kanyang asawa na isang nurse ay galing 'late shift' nang gabing iyon.. ang lalaking aking ikinukwento ay maaga umuwi.. maaga umuwi sapagkat alas quatro na ng umaga nang siya ay nakarating ng kanyang tahanan na, sa awa ng diyos, ligtas pa at buhay..pag dating ay agad agad siyang dumeretso sa kanilang silid at doon ay natulog sa kama.. dahil sa umaalingasaw niyang amoy, ang kanyang butihing asawa ay hindi na nakatiis kung kaya't ito ay lumipat at natulog na lamang sa kanilang sala.. kinaumagahan, mga alas siette ng umaga ay kinakailangan bumangon ng sinasabi kong lalaki dahil kailangan niyang ihatid ang kanyang asawa na papasok nang "early shift".. maswerteng lalaki, nakatulog ng tatlong oras.. ngunit paglabas niya nang kanilang bahay ay kanyang ipinagtaka kung bakit mas malamig sa karaniwan ang kanyang pakiramdam.. at pagpasok sa kanyang kotse, kung saan ay naghihintay si misis, ay tila lasing paren si lalaki.. bakit ko nasabi? dahil sinigawan siya ng kanyang asawang humahalakhak at nagsabing "hoy! bakit nakabrief ka lang?!! bumalik ka don at magbihis ka!!!" -.-
...this is my secret